First time mo bang magkaroong ng haggard na ID picture?
Mawalan ng payong? Maibaba sa UB ng taxi instead na sa UP? First time mo bang
gumamit ng blue book? Ng syllabus? Pumasok nang hindi naliligo? Magsuot ng
tsinelas everyday? First time mo bang hingalin ng sobra sa paglalakad galing sa
CSS patungo sa CS? O kaya naman ay malate kasi dikit-dikit ang mga classes mo?
First time mo bang “bumaba” at “umakyat” mag-isa? First time mo bang mawalay sa
pamilya mo?
Okay
lang yan! Napagdaanan din namin yan! Ganyan talaga ang buhay sa UP Baguio.
Mahirap masanay sa simula ngunit masayang maranasan ang ganitong mga “first
times”. Ito ang huhubog sa iyong
pagkatao, at dahil dito, mas makikilala mo ang iyong sarili.
Ngayong
nasa kolehiyo ka na, kailangan mong matutunang maging independent at maging
madiskarte. Kung dati ay may gumigising
sa’yo tuwing umaga, ngayon wala na. Kung dati ay may naghahain sa’yo ng hapunan
tuwing ala sais ng gabi, ngayon wala na. Kung dati may naglalaba para sa’yo,
ngayon wala na. Kung dati may namamalantsa para sa’yo, ngayon wala na. Alam
kong mahirap mamuhay mag-isa at malayo sa pamilya. Wala ka nang maaasahan kundi
ang sarili mo.
Nakakatakot
bang mamuhay mag-isa? Gusto mo na bang bumalik sa mga magulang mo? Bro, college
student ka na. You need to leave your comfort zone. Kailangan mo ring marealize
na ang ganitong feeling ng culture shock at homesickness ay normal lang. Walang
mali sa’yo kaya hindi mo kailangang magemo-emohan. Huwag ka ring magkakamaling
magdrugs o uminom gabi-gabi para lang malunasan ang iyong kalungkutan. Hindi iyan
makakaganda para sa iyong pag-adapt at pag-adjust sa bagong environment. Kaya, sa halip, tratuhin mong opportunity ang
mga pagsubok na napapagdaanan mo. Kumbaga, gawin mong adventure ang college life. Mag-explore ka ng mga lugar na di mo pa
napupuntahan sa Baguio. Makipagkaibigan ka sa mga bloc mates mo. Magtry ka ng
Cordillera foods. Embrace the new culture. Soon, marerealize mo na kaya mo
palang mamuhay mag-isa, and masaya ito. :)
A very relatable entry! Good job!
ReplyDelete