"If you have a dream, you can spend a lifetime studying, planning, and getting ready for it. What you should be doing is getting started."
- Drew Houston
Aminin mo. Mahirap at nakakatamad mag-aral, lalo na kapag 'di
ka interesado sa kailangan mong aralin. Kahit may gana ka at nasabi mo na sa sarili mo
na, “Sige na, mag-aaral na ko.”, di ka pa rin makapag-aral kasi the moment na
nagsimula kang magbasa, lahat ng mga unnecessary na bagay ay biglang nagiging
kawili-wili. ‘Wag kang mag-alala, normal lang to. Kahit ako, nakakatamaran
ko rin mag-aral. Syempre, kung
papipiliin ka: aral o libang?, panigurado, libang ang pipiliin mo. Sino ba namang
tao ang gusto mahirapan?- Drew Houston
Kung ang iniisip mo sa salitang “aral” o “tuto” ay
paghihirap at pagaaksaya ng oras, diyan ka nagkakamali. Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong ito, 'di tayo tumutigil matuto. Sabi nga ni Bruce Lee, “Life
itself is your teacher, and you are in a state of constant learning.”
Hindi lang classroom ang venue upang matutunan ang mga bagay
bagay. Kung mapapansin mo, mas marami kang matutunan sa labas ng classroom
katulad ng pasesnya, pagbabudget, at disiplina. Ang mga lessons sa school,
inaaral mo 'to para magexcel ka sa career na gusto mo. Ang lessons ng buhay, inexperience
ito upang tumatag ang iyong kahusayan sa pakikibaka sa buhay.
Bakit nga ba kailangan nating mag aral o matuto ng mga bagay
bagay? Bakit nga ba kailangan nating tumuntong sa college para mag-aral? Hindi ba
mas magiging practical pag sa bahay ka lang nag-aaral through online resources?
Ang college ang stepping stone para makamit ang iyong mga
pangarap. Upang makamit mo ang mga pangarap mo, kailangan mong magsikap at
magsunog ng kilay. Hindi straight line ang paglalakbay patungo sa mga pangarap
mo. May maeencounter kang bumps along the road a.k.a. mga bagsak, terror profs,
insufficient allowance, etc. Pero di lang math o science ang matututunan sa
college. Matututo ka rin ng mga life skills na tutulong sa’yo para maging isa kang
responsableng mamamayan.
Isang pribieheyo ang makapag-aral sa college. ‘Wag mong
baliwalain ito. Naghirap din ang mga magulang mo para makapag-aral ka. Ang tanging
bagay mo nalang na maibabalik sa kanila ay magsipag at mag-aral ng mabuti. Para
sa’yo din yun. Kung di ka mag-aaral ng mabuti, mapapariwara ang buhay mo. ‘Wag
mong isipin ang mga panandaliang tagumpay. Think long term. Isipin ang magiging
buhay ng pamilya mo ‘pag hindi ka nag-aral ng mabuti. Gusto mo ba silang
mahirapan?
Para di ka mabore sa pag-aaral isipin mo ang kinabukasan mo.
Mas maayos na maghirap ka sa simula at puro sarap sa dulo kesa puro sarap sa
simula tapos sa dulo ka maghihirap.
O sige na guys. Mag-aaral pa ako ng magic(math). Good luck sa
pag-aaral nyo. Tandaan niyo, think long term. :D
No comments:
Post a Comment